scrabble (is•kráb•ol) : laro na nilalahukan ng dalawa hanggang apat na manlalaro na may tigpipi-tóng pitsa na pambuo ng mga salita sa board
scramble (is•krám•bol) 1: dumaan o gumapang sa malayong poók 2: makipagpaligsahan 3: mag-luto ng binatíng itlog 4: kumilos nang madalìan 5: isakatuparan nang pabará-bará
scrambler (is•krám•bler) 1: kagamitan upang guluhin ang pag-uusap sa telepono 2: motorsiklong ginagamit sa karera sa bako-bakong daan 3: halámang may baging
scrapbook (is•kráp•buk) : aklat na may mga blangkong páhiná upang pagdikitan ng mga larawan, gúhit, at katulad
scratch (is•kráts) 1: kámot 2: teknik, karaniwan sa musikang rap, sa pagpigil ng plaka sa ponograpo, at iginagalaw ito nang pasulong at paatras upang lumikha ng kakaibang tunog 3: sa bilyar, ang hindi pagtama ng patò sa bolang de numero, lalo na kung pumasok sa butas ang patò
scratch (is•kráts) 1: kumamot o kamutin 2: magsulat nang mabilis 3: ikansela sa pamamagitan ng lapis, at katulad 4: sa paligsahan, umayaw sa laro
screening (is•krí•ning) 1: pagpapalabas ng pelikula o programa sa telebisyon 2: pagtukoy sa malusog o maysakít 3: ang nátirá sa pagbibithay
screen printing (is•krín prínt•ing) : proseso na tulad sa proseso ng istensil, may handang latag ng pinong materyal na tinintahan