scull (is•kál) 1: alinman sa isang pares na panggaod na naka-kabit sa magkabilâng gilid ng bangka at sabay na ginagamit ng nag-iisang gumagaod 2: magaan at makitid na bangkang pangkarera na pinatatakbo ng isa, dalawa, o apat na tagagaod
scullery (is•ká•le•rí) : maliit na kusina o silid sa likod ng isang bahay at nakalaan para sa paghuhugas ng mga plato, at iba pa
scutage (is•kyú•tids) : salaping ibinayad sa piyudal na may-ari ng lupa sa halip na personal na serbisyo
scutellum (is•kyu•té•lum) 1: tíla kalasag na kotiledon ng ilang halámang lumilikha ng mga butó na iisa ang kotiledon 2: maliit na plaka o anumang tíla kalasag na ba-hagi, tulad ng thorax ng kulisap at ng ibon
scutum (is•kyú•tum) : ang bawat kaliskis na bumubuo sa katawan ng buwaya, pagong, arma-dilyo, at iba pa
Scylla (síl•a) 1: babaeng halimaw na lumalamon ng mga magdaragat na tumatawid sa makitid na estrétso sa pagitan ng kaniyang yungib at ng alimpuyong Charybdis 2: mapanganib na bató sa Kipot Messina sa panig ng Italy
sea bass (sí bas) 1: alinman sa mga isdang-alat (family Serranidae) 2: alinman sa mga katulad na mga isdang-dagat na kinakain