se•ná•do 1: asamblea o sanggunian ng mga mamamayan na may pinakamataas na funsiyon sa pamahalaan 2: mataas na kapulungan ng batasang bikameral
se•ná•ku•ló 1: dulang nagsasalaysay sa búhay, pag-hihirap at kamatayan ni Hesukristo, karaniwang itinatanghal tuwing Mahal na Araw 2: pook para sa paghahapunan
send 1: alinman sa a , ipadalá b pakilusin c maging sanhi d palayasin o paalisin 2: magpadalá ng sulat 3: maglabas
senior (sín•yor) 1: higit na matanda o higit na mataas ang ranggo 2: nahihinggil sa mataas o pinakamataas na posisyon 3: nauukol sa tao na higit na matanda sa taon na may katulad na pangalan 4: hulíng taon sa unibersidad o hay iskul