sexcentenary (seks•sén•ti•nér•i) 1: nahihinggil o kaugnay ng ikaanim na raang anibersaryo 2: nagaganap tuwing ikaanim na raang taon
sexploitation (seks•ploy•téy•syon) : pagsasamantala o pakiki-nabang sa sex, lalo na upang pagkakitáhan
sextant (séks•tant) : instrumento na ginagamit sa nabegasyon at sa agrimensura upang sukatin ang distansiyang pang-anggulo sa pamamagitan ng mga salamin
sextet (séks•tet) 1: anumang pangkat o set na anim 2: pangkat ng anim na mang-aawit o manlalaro 3: komposisyon ng anim na boses o instrumento
sextillion (seks•tíl•yon) : numerong kardinal na sinusundan ng dalawampu’t isang zero sa United States at France samantalang tatlumpu’t anim na zero sa Britain at Germany
sextodecimo (séks•to•dés•i•mó) 1: lakí ng aklat o páhiná na katumbas ng ikalabing-anim na tupi ng piraso ng panlimbag na papel 2: aklat na may ganitong lakí
séx•ton (séks•ton) : tao na tagapangalaga ng isang simbahan at bakuran nitó, at karaniwan ding nagsisilbing kampanero at sepulturero
sextuplet (seks•tyú•plit) 1: isa sa anim na kambal 2: pangkat ng anim na nota na tinutugtog sa kumpas ng apat