sharia (sya•rí•ya) : sagradong batas ng Islam, kabílang ang mga pangaral ng Koran at mga tradisyonal na kawikaan ni Muhammad
sharif (syá•rif) 1: inapo ni Muhammad sa kaniyang anak na si Fatima, may karapatang magsuot ng lungtiang turban o belo 2: pinunòng Muslim
sharp (syarp) 1: matalas, kung sa patalim 2: malinaw ang anyo o hulagway, kung sa larawan o retrato 3: maanghang o masangsang, kung sa pagkain 4: matinis o nakatutulig, kung sa tunog o tínig 5: mabilis makaintindi
shashlink (syásh•lingk) : karne ng tupa na hiniwa nang pa-kuwadrado, ibinabad sa toyo na hinaluan ng sibuyas, kamatis, at iba pa bago iluto
shaver (syéy•ver) 1: tao o bagay na nag-aahit 2: de-koryenteng pang-ahit ng balahibo, buhok, balbas, at katulad
shea (syi) : uri ng pu-nongkahoy (Vitellaria paradoxa) mula sa kanlurang Aprika, namumu-nga ng malangis na nuwes
shear (syir) 1: gupitin at ahitin ang mga balahibo, gaya ng sa tupa 2: tanggalin sa pamamagitan ng pagpútol