sés•ta 1: basket1 2: sa jai alai, kasangkapang hugis C na gawâ , sa abaka at linab ng yantok, ikinakabit sa kamay, at ginagamit na pansaló at pampukol ng bola
ses•tí•na : anyo ng tula na mayroon o walang tugma, may anim na saknong na tig-anim ang taludtod at pangwakas na triplet, at tinataglay ng lahat ng saknong ang anim na salitâng magkakatugma sa mga dulo ng taludtod sa iba’t ibang paraan ng sunúran
se•sú•ra 1: hatì 2: pagkakaroon ng tatlo o mahigit na magkakatulad na bahagi 3: pahinga sa gitna ng isang taludtod, hal ang pahinga sa ikaanim o kayâ sa bawat ikaapat na pantig ng taludtod na may súkat na lalabindalawahin