shearling (syi•ár•lin) 1: tupa na tinanggalan ng balahibo sa unang pagkakataon 2: balahibo mula sa naturan
sheath (syit) 1: kaluban 2: isang tawag sa kondom 3: pantakip na balát o himaymay 4: pantakip sa kawad ng koryente 5: hapit sa katawang damit pambabae
Sheba (syí•ba) : sa Bibliya, pangalan ng Saba, sinaunang bansa sa timog silangang Arabia at kilalá sa kalakalan ng ginto at rekado
shed (syed) 1: isang palapag na gusaling imbakan, o silungan ng mga hayop 2: anumang estrukturang bukás ang isang panig at ginagamit na bodega 3: gusaling bukás ang isang panig at laan para sa pag-ahit ng balahibo ng tupa o para sa pag-gatas sa báka
sheep (syip) 1: tupa1 2: tao na mahiyain, mahinà o madalîng pangunahan 3: a kasapi ng kongregasyon b kasapi ng parokya
sheepskin (syíp•is•kín) 1: damit o basahan na yarì sa may balahibo pang balát ng tupa 2: balát ng tupa na ginagamit sa paggawâ ng aklat
sheet metal (syit•mé•tal) : piraso ng metal na pinaninipis sa pama-magitan ng paggúlong, pagpukpok, at iba pa
sheet music (syit myú•sik) 1: inilimbag na musika at naiiba sa itinanghal o inerekord 2: musika, karaniwang iisang komposisyon at inilimbag sa papel na hindi pa nabibigkis
shekel (sye•kél) 1: pangunahing yunit ng pananalapi sa makabagong Israel 2: pinilakang salapi at yunit ng bigat sa sinaunang Israel at Gitnang Silangan 3: salapi1
shelf (syelf) 1: manipis at sapád na piraso ng kahoy o metal at iba pa, nakadikit sa dingding o bahagi ng yunit, lagayan ng aklat at iba pa 2: sapád na ilalim na rabaw ng dingding 3: nakalitaw at paba-bâng bahagi ng talampas 4: tangrib at dalampasigang nakalubog sa tubig
shell (syel) 1: a talukab1; takupis2 b b balát ng nuwes, butó, at katulad c supot na nilalabasan ng mga pakpak ng insekto, at iba pa 2: a sumasabog na bála na ginagamit sa mortar o sa malakíng baril b hungkag na sisidlang metal o papel na nilalagyan ng paputok, bála, at iba pa 3: mga dingding ng hindi pa yarî o natupok na gusali, barko, at iba pa 4: pangkat ng mga elektron na may halos magkakapantay na enerhiya sa isang atom
shellfish (syél•fish) 1: mollusk na may talukab at pantubig, hal tahong, tulya 2: crustacean, hal alimango, sugpo
shelter (syél•ter) 1: anumang nagsisilbing pananggaláng o kublihan 2: kanlungan para sa mga wa-lang tirahan 3: santuwaryo para sa mga hayop
shema (syé•ma) : tekstong bumubuo sa mahalagang bahagi ng panggabi at pang-umagang dasal ng Hebrew at ginagamit bílang pahayag ng pananampalaya