shipper (syíp•er) : tao o kompanya na nagpapadalá o tumatanggap ng mga bagay, lalo sa pamamagitan ng barko
shipping (syíp•ing) : gawâ o halimbawa ng paghahatid ng mga bagay at iba pa, lalo sa pamamagitan ng barko
shipwreck (syíp•rek) 1: pagkawasak ng barko bunga ng bagyo, pagsadsad sa batuhan, at katulad 2: pagkawasak ng pangarap, lunggati, at iba pa
shi•ráz 1: uri ng itim na ubas na ginagamit sa paggawa ng alak 2: baging na pinagsu-suplingan nitó 3: puláng alak na gawâ mula sa nasabing ubas
shirt : pang-itaas na damit ng laláki, karaniwang yarì sa cotton, may kuwelyo, manggas, at butones sa harap
shísh ke•báb : putahe na binubuo ng mga piraso ng karne at gulay na pawang ibinabad sa sukà, asin, o mantika at sakâ iniihaw
shit 1: tae o pagtae 2: ka-suklam-suklam o walang kuwentang tao o bagay 3: basura o walang halagang bagay
shi•yát•su : uri ng masahe na sumusunod sa mga prinsipyo sa acupuncture, nilalapatan ng presyon ang hinlalakí, palad, at iba pa upang mapagalíng ang mga bahagi ng katawang mahinà o may sakít
shock (syak) 1: matinding banggaan, pagyanig, at iba pa 2: pagkabigla at nakapagdudulot ng kaguluhan sa damdamin, pagkilos, at iba pa 3: pagkawala ng málay o pagbulagta makaraang masugatan, masaktan, at iba pa, lalo kung nawalan ng maraming dugo 4: kaguluhan na nagiging sanhi ng pagbuway ng organisasyon, sistemang pananalapi, at iba pa 5: shock absorber
shock absorber (syak ab•sór•ber) : ispring na nagbabawas o nagpapahinà sa puwersa ng yanig sa isang sasakyan