show-window (syow-wín•dow) : bintana, karaniwang de-salamin, na laan para sa pagtatanghal ng mga produkto at iba pa
shrapnel (sráp•nel) 1: mga piraso ng bomba at iba pa na humahagis makaraan ang pagsabog 2: basyo na naglalamán ng mga bála o piraso ng metal na inorasang su-mambulat kapag bumangga, bumagsak, o nagalaw
shred (sred) 1: piraso, kaputol, o retaso, karaniwan ng damit, papel, at iba pa 2: pinakakaunting halaga o tirá
shredder (sréd•er) 1: mákiná na ginagamit para sa pagpira-piraso 2: anumang kasangkapan na laan para sa pagpunit o pagpiraso
shrine (syrayn) 1: a kapilya, simbahan, altar, at iba pa na sagrado sa isang santo, banal na tao, o relikya b libingan ng santo at katulad c kabaong o sisidlan para sa sagradong relikya d lugar na pinaglalagyan ng sagradong estatwa at iba pa 2: pook na may kaugnayan o nagtatag-lay ng memorabilya ng isang tao, pangyayari, at iba pa 3: dambana ng Shinto
shuffle (syá•fol) 1: kumilos nang pakayod, padulas, o pahila 2: sa baraha, magbalasa 3: muling ayusin o guluhin 4: patuloy na magpa-bago-bago ng posisyon
shutter (syá•ter) 1: tao o bagay na nagpipinid 2: isa sa pares o set ng mga panel na nakalagay sa loob o labas ng bintana para sa seguridad o privacy, o upang maharang ang sinag ng araw 3: aparato na naglalantad sa film sa kamerang potograpiko 4: harang na bumubukás o sumasara sa organ upang makontrol ang antas ng tunog
shuttlecock (syá•tel•kák) : tapón na may mga balahibong naka-paikot sa gilid, o katulad na kagamitang yarì sa plastik, na pinapalò sa larong gaya ng badminton