sí•bi 1: nakahilig na silungan, karaniwang nakakabit sa dingding ng isang bahay o nakadugtong sa bubong 2: dagdag na bahagi sa tunay na bahay
sí•big : pagpapatigil ng bangka sa pamamagitan ng sagwan o pagharap ng prowa sa pinagmumulan ng hangin
sí•bi•ká : sangay ng agham pampolitika na may kinalaman sa kapakanan, tungkulin, at karapatan ng mamamayan
si•bíl 1: may kaugnayan sa isang mamamayan o mga mamamayan 2: pambayan o pangmamamayan 3: tumutukoy sa batas sibil o pribadong karapatan
si•bi•li•sá•do 1: nauukol sa maunlad na pamumuhay dahil sa pagkakaroon ng edukasyon 2: may kalinangan, edukado, o may pinag-aralan