sí•bo 1: bulaklak ng talahib 2: pananakot ng isdang malaki sa mga isdang maliliit sa pamamagitan ng pagsugod 3: sa sinaunang lipunang Bisaya, ang pagpapalitan ng mga produkto
si•bóg 1: pagkakagulo at pagtakas 2: pagliliparan ng mga ibon dahil sa pagkatakot 3: uri ng palumpong
sí•bol 1: pagtubò ng tanim na binhi 2: katulad na pagtubò ng balbas o ng mga súso 3: paglabas ng tubig sa poso o sa bukal 4: bukál1 5: takalán ng likido na yarì sa kawayan
si•bón : laro ng mga batà na nása guhit ang pangkat na tayâ at hinuhúli ang kalabang tumatawid sa guhit
sí•boy 1: pag-apaw sa sisid-lan ng kumukulong likido 2: dilíg o pagdidilig 3: pagbabasaan ng dalawang tao ng kani-kanilang likod
sib•róng : paniniwala na magpapahiwatig ang daliri ng tao na naghihingalo kung ilan ang papatayin o paghihigantihan
si•bu•káw : palumpong (Caesalpinia sappan) na mapulá ang kahoy at nakukuhanan ng pangkulay o dampol na pulá
si•bú•yas : yerba (Allium cepa) na may bulbong maanghang ang lasa, manipis ang balát, at mahahabà ang dahon, ginagamit na rekado o pampalasa ng pagkain