si•gík 1: pagkauklo ng leeg dahil sa bigat ng sunong 2: pagdiin nang buong lakas sa ulo ng kapuwa upang mauklo ang leeg
sig-íng 1: umalab ang damdamin o karamdaman 2: muling inungkat o binúhay ang matandang kaso o problema 3: mayabang at mapagmataas 4: masikip
si•gíng 1: pagkatuwa o pagmamalakí sa mga natamong tagumpay, kalidad, o pag-aari 2: labis na pagpapahalaga sa sarili 3: kamalayan hinggil sa kung ano ang nararapat sa posis-yon ng isang tao; paggálang sa sarili 4: tao o bagay na ikinararangal
sig•lá 1: gaan ng katawan sa pagtupad o pagsasagawâ ng isang bagay 2: sigasig na ipinamamalas sa isang gawain
sign (sayn) 1: lumagda 2: a makipagtalastasan sa pamamagitan ng mga senyas at muwestra b makipagtalastasan sa pamamagitan ng sign language 3: isulat ang pangalan o inisyal sa isang dokumento upang ipahiwatig na awtorisado ito 4: lagyan ng tanda o marka