si•gáw 1: malakas na tawag, hal ng isang humihingi ng saklolo o ng isang nása malayò 2: pabulyaw na pagmumurá sa kapuwa 3: pagsasabi ng katotohanan, lalo na kung pinipilit o pinarurusahan
sig•bín : engkantadang nilaláng na may iba’t ibang anyo, nakagagawâ ng anumang maibigan, at wala pang nakakikíta, bagaman pinaniniwalaang ang makahuhúli nitó ay magkakaroon ng magandang kapalaran
sí•ge 1: kalígay 2: ekspresyon tulad ng “okey” na maaaring mangahulugang “walang problema,” “magpatuloy ka sa ginagawâ,” “paalam,” atbp.
sigh (say) 1: bumuntong-hininga upang ipahayag ang hinayang o lungkot 2: hanapin o manabik para sa nawalang tao o bagay
sight (sayt) 1: paningin1 2: paraan ng pagsipat o pagtuturing sa isang bagay 3: lawak na maaabot ng tanaw ng isang tao 4: mahalagang bahagi o katangian ng isang pook 5: aparato sa baril na ginagamit sa pag-sipat ng isang bagay na tutudlain