siemens (si•méns) : istandard na yunit ng conductance na katumbas ng conductance ng lawas na may resistance na isang ohm (symbol S)
Sierra Madre (syé•ra má•dre) : pinakamahabàng bulubundukin sa Filipinas na may habàng 600 km sa silangang bahagi ng Luzon mulang Tangos Engaño sa hilaga hanggang sa Baler, Quezon
si•gâ 1: apoy na likha ng nasusunog na basura o damo 2: pagpapausok ng mga haláman upang madaling mamulaklak at mamunga
si•gáng 1: pagsasálang ng pala-yok, kawali, at iba pa sa kalan 2: sinigang1 3: sa paraang patalinghaga, katulad na pagsasálang sa isang tao
sí•gang-dá•gat 1: haláman (Jussieaea repens) na nabubúhay sa mga tubig tabáng at latian, ginaga-wâng ensalada at gamot 2: dilang-usa 3: dilambaka
si•ga•ríl•yas : halámang baging (Psophocarpus tetragonolobus, family Leguminosae) na may bungang pod, may apat na panig at maprotina