sík•lo 1: pag-uulit ng panahon, lalo na ng mga pangyayari na nauulit ang pagkakasunod o interval 2: anumang kompletong serye ng pangyayari na nauulit 3: panghábang panahon 4: bisikleta
sik•lót 1: laro na itinatálang ang maliliit na bató at sinasaló sa likod ng kamay 2: katulad na masamâng kapalaran ng tao
sik•mát 1: pagsibasib ng kaaway, lalo na ng mababangis na hayop 2: pabugso-bugsong pagsinghal ng isang nagagálit
sik•mu•rà 1: bahagi ng katawan ng tao at mam-mal na nása pagitan ng thorax at pelvis 2: pagsakít ng bahaging ito
si•ko•ló•hi•kó 1: hinggil sa sikolohiya 2: hinggil sa o bunga ng pag-iisip 3: sa sakít at katulad, walang kongkretong dahilan; bunga lámang ng imahinasyon
si•ko•lo•hí•ya 1: siyentipikong pag-aaral ng pag-iisip ng tao at mga funsiyon nitó, lalo na iyong nakakaapekto sa kilos 2: a mental na katangian o aktitud ng isang tao o pangkat b mga mental na salik sa isang aktibidad o sitwasyon