sí•koy : isdang-alat na kapamilya ng bakoko (Pomadasys maculatum), kulay pinilakang abuhin, at may mga malapad , na guhit sa katawan mula sa palikpik, makaliskis, at maliit ang nguso
sik•rá•ong 1: súgang pampalit sa kabesada ng kabayo 2: malakíng sisidlan na gawâ sa kawayan, ginagamit sa pagdadalá ng basi na nása tapayan
sik•sík 1: pagpasok sa isang pook na masikip nang lubha 2: pagtatago o pagkukubli sa isang sulok 3: kalagayang punông-punô
sik•wán 1: patpat na pinag-pupuluputan ng sinulid upang mag-habi 2: ikiran ng pising ginagamit sa paghábi ng lambat 3: druwál