sik•wát 1: pagpapataas o pag-aangat upang makíta ang dakong ibig makíta 2: biglang galaw paitaas ng sungay ng kalabaw o ang sugat na likha nitó 3: pagnanakaw
si•lá 1: pang-maramihan ng siya, na nása ikatlong panauhan hal, “Sila ang mga kaibigan ko.” 2: ginagamit na panghalip na pamitagan hal, “Sila ang aking guro.”
si•lá•bi•kó 1: binubuo ng isang pantig o mga pantig 2: maliwanag na pagbigkas sa mga pantig 3: hinggil sa panulaang batay sa bílang ng mga pantig na naiiba sa panulaang nasasalig sa diin at kantidad 4: may pantig na inaawit sa isang nota o bawat nota
si•lá•his 1: sinag2 2: kulumpon ng ulap na nilalabasan ng sinag 3: baklang pumapatol sa kapuwa lalaki at babae