sim•bi•yó•sis 1: a kapaki-pakinabang na ugnayan o relasyon ng mga tao b pangyayari o halimbawa nitó 2: ugnayan ng dalawang magkaibang organismo na magkasámang nabubúhay at karaniwang kapaki-pakinabang sa isa’t isa
sim•bo•lís•mo 1: pagpapahayag sa pamamagitan ng simbolo 2: kalipunan ng mga simbolo 3: kahulugan o katangiang simboliko
si•met•rí•ya 1: pagkakaayon sa súkat, anyo, at pag-kakaayos ng mga bahagi sa kabilâng panig ng isang kapatagan, guhit, at iba pa 2: pagkakasúkat ng anyo o ayos ng mga bahagi 3: kahusayan o kagalíngan sa pagkakahati