silk screen (silk is•krín) : paraan ng printmaking, ipinipinta sa iskrin na may balangkas na kahoy ang disenyo
silo (sáy•lo) 1: hukay o estrukturang kulob na pinag-iimbakan ng fodder hábang dumadaan sa permentasyon 2: katulad na estruktura para sa sandatang nuklear
si•lò 1: bahagi ng lubid, laso, at katulad na pinagdoble upang mag-anyong bilóg 2: anumang drowing o bagay na may ganitong anyo 3: bitag na may ganitong anyo 4: paglinlang sa kapuwa
si•lo•hís•mo : isang uri ng argumento na nakabatay ang kongklusyon sa dalawang panukalang pahayag, nilalamán ng pangunahing panukala ang panaguri ng kongklusyon samantalang nilalamán ng ikalawang panukala ang simuno ng kongklusyon
si•lóm : tuwid na arum (Philo-dendron selloum) na may tangkay na matigas at 100 sm ang habà ng mga dahon at hiwâ-hiwâ
sí•long 1: bahaging ilalim ng sahig ng bahay 2: lilim ng punong-kahoy 3: pagtigil o pamamahinga sa lilim
si•ló•po•nó : instrumentong binubuo ng serye ng pahabâng piraso na kahoy at pinatutunog sa pamamagitan ng pagpalò ng martilyong kahoy