si•mà 1: munting kawit sa dulo ng sibat o sa dulo ng kawil ng pamansing 2: maliit na lambat upang manguha ng hipon
si•mâ 1: lambat na panghúli ng isda, may masinsing matá, at malalim na púsod 2: pangingisda sa pamamagitan nitó 3: pagsimot o pagkuha nang walang itinitirang anuman
si•má•war : maliit na karniborong isdang-alat o isdang-tabáng (Ophiocara aporos) na makaliskis at batík-batík ang mga palikpik
sim•bá 1: pagtúngo sa simbahan upang magdasal 2: panalangin sa simbahan sa araw ng Linggo at iba pang Pistang Pangilin
Sim•báng-ga•bí : pagsisimba, karaniwang ikaapat ng umaga, mulang ika-16 hanggang ika-25 ng Disyembre bílang paghahanda sa Pasko o kapanganakan ni Hesukristo