si•na•gó•ga 1: templo ng mga Hudyo 2: asamblea ng mga naturang tao 3: pook para sa pagsamba o pagtanggap ng instruksiyon
Sinai (sáy•nay) 1: tangway sa hilagang silangan ng Egypt, sa hilagang dulo ng Dagat Pula sa pagitan ng mga golpong Suez at Agaba 2: bundok sa timog ng Sinai at ayon sa Bibliya, doon tinanggap ni Moses ang Sampung Utos
si•na•la•pú•sop : kakaníng malagkit, binalot sa buri, at inilalagay sa kawayan, ipinapatong sa salaan, at pinakukuluan sa banga