si•nan•tán : isang uri ng pag-sukat sa bigat , na katumbas ng 6,326 kilogramo na bumubuo sa sampung káti
Sinanthropus (si•nán•tro•pús) : dáting tawag sa genus ng ilang fossil hominid na kauri ng Homo erectus, ipinangalan mula sa labíng natagpuan malapit sa Beijing noong 1926
si•na•pu•pú•nan 1: malakíng bahagi ng oviduct na maaaring lumapad at kinalalagyan ng pertilisadong ovum hábang lumalakí ito 2: isang kaligiran o bagay para sa pagbuo o pagtubò ng isang bagay 3: kanlungan2
si•na•ra•pán : isda (class Mistichis luzonensis) na kinikilálang pinakamaliit na isdang pangkomersiyo
si•na•wá 1: uri ng tugi na maraming ugat 2: uri ng abaka (Cordyline roxburghiana) na may matatabâng sanga at bungang-ugat