si•nes•tís•ya 1: sa pisyolohiya, ang pagkakaroon ng pakiramdam sa isang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng estimulasyon ng ibang bahagi 2: paghahalò ng dalawa o mahigit pang pandamá sa karanasan 3: ikalawang paraan ng pagdamá
si•ngá•sing 1: paghingal dahil sa matinding hapo 2: pagbuga ng singaw o vapor 3: pagsúka ng pusa nang tumatayô ang balahibo 4: tila nagbubuga ng singaw sa ilong na gawain ng toro kapag inaamoy ang báka
si•ngáw 1: hamog o ibang sub-stance na nakakalat at nakalutang sa hangin gaya ng usok, angep, ulop, at katulad 2: butil-butil na alimuom na tíla pawis sa rabaw ng mga bagay na naaarawan o pinakuluan 3: alingasaw 4: tao na taal sa isang pook 5: bukás na sugat, karaniwang sa bibig o labì