sing•gu•lár 1: higit sa karaniwan 2: kakaiba 3: sa salita o anyo, tumutukoy sa iisang tao o bagay 4: nagtataglay ng walang katulad na katangian 5: nag-iisa
sí•ngit 1: dakong loob ng punò ng dalawang hita 2: anumang gipit sa pagitan ng dalawang bagay 3: anumang bagay na nakaipit sa pagitan ng dalawang bagay 4: pagtatagò o pagpasok sa naturang kalagayan 5: salángat1
sing•ká•ban 1: may palamuting arko na ginagamit kung pista, maaaring nakatirik sa daanan o binubuhat kung prusisyon 2: kahoy na dinisenyo, inukit, o pinintahan 3: pansamantalang arkong itinatayô tuwing Linggo ng Palaspas, palatandaan ng pagsasalubong ni Hesus at ni Maria sa Galilea
sing•kád : paraan ng pagsa-sabi sa isang buong sukat gaya sa “sandipang singkad,” o isang buong bilang gaya sa “santaóng singkad” at “maghapong singkad”