si•pón 1: sakít na may sintomas ng pananakít ng lalamunan, malabnaw na uhog, pag-ubo, at iba pa 2: uhog
si•pót 1: paglitaw ng isang matagal na nawala 2: pagdatíng o paglitaw nang hindi inaasahan 3: pagkalikha o paglitaw nang maliwanag
sip•rés : alinman sa mga punongkahoy (genus Cupres-sus) na laging lungti at may matingkad na lungti at malakalislis na dahon
si•prí•tsi : maliit at nagkukumpol na palma (Chamaedorea seifrizii), lungtian ang tangkay, may maliit na bungang lungtian na nagiging pulá at itim kapag hinog, katutubò sa Timog Amerika at kamakailan ipinasok sa Filipinas bílang halámang ornamental
sip•yá•kan : ibong kauri ng iwad-iwad (Anthus novaeseelan-diae), namamayani ang kulay kayumangging balahibo
Siquijor (si•ki•hór) 1: lalawigan sa gitnang Visayas ng Filipinas, Rehiyon VII 2: kabesera ng Siquijor
si•rà 1: kawalan ng anumang mahalaga, kanais-nais, o kailangan 2: pinsalà 3: pagkabulok, kung sa pagkain