sirocco (si•ró•kow) : mainit, maalikabok, o mahalumigmig na ihip ng hangin sa hilagang Africa tungo sa Mediteraneo hanggang sa timog Europa
sí•rok 1: salok 2: pagsisid ng anumang lumilipad tulad ng ibon, sa-ranggola, o eroplano 3: sílong1 4: haláman na ginagamit sa paggawâ ng banig
sir•wé•las : punongkahoy (genus Prunus) na may bungang mabílog, malaman, at kulay mamulá-mulá kapag nahinog
Sí•sa : tauhan sa Noli Me Tangere, ina nina Crispin at Basilio, at nabaliw dahil sa inaakalang pagkamatay ng kaniyang mga anak