si•pà 1: pagpapatama ng paa sa anuman 2: laro na sinisipa ang yarì sa nilá-lang bolang yantok upang hindi sumayad sa lupa at maibalik sa panig ng katunggali
sí•pag : tuloy-tuloy na pagbubukás ng isip, lakas, at panahon sa pagsasakatuparan at pagtapos ng anumang gawain
sí•pan 1: panghiso ng ngipin na yarì sa bunót ng nganga 2: sa sinaunang lipunang Bisaya, pin na may tanikalang ginto, at ginagamit sa pag-pusód ng buhok ng kababaihan
sí•paw : maliit na ibon na kapamilya ng tordo (Saxicola capra-ta), nangingibabaw ang itim na bala-hibo sa laláki at ang kayumangging balahibo sa babae, maliwanag at tíla sipol ang huni na may anim na pantig o nota
siphon (sáy•fon) : túbo na ginagamit sa pagsipsip ng likido mu-la sa isang sisidlan patungo sa isa pa