si•sí 1: pagkakabit ng isang bagay hábang pinipipî ang dulo nitó 2: paggupit sa sunóg na dulo ng mitsa ng kandila o ilawán 3: uri ng talabá
sí•si 1: pagpapása ng kasalanan sa iba 2: pag-amin at pagbabagong-loob sa nagawâng pagkakasála 3: matinding lungkot at panghihinayang sa naging bunga ng maling gawain o kapabayaan
sí•sig 1: ensalada 2: tubig na napakaalat 3: putaheng karne, utak, at ulo ng baboy na sinangkapan ng sibuyas, paminta, at iba pang pampalasa
Sisiphus (sí•si•fús) : pinarusahan ni Hades, ang laláking habambuhay na nagtutulak paakyat sa itaas ng burol ng malakíng bató na paulit-ulit gumugulong paibabâ