sister (sís•ter) 1: kapatid na babae 2: a matalik na kaibigang babae b kasámang babae sa isang unyon, sekta, at iba pa 3: kasapi sa isang pambabaeng ordeng panrelihiyon
sí•tan 1: masasamâng espíritu 2: larong pambatà, inihahagis paitaas ng mga kalahok ang kalahati ng bao ng niyog at ang bumagsak nang nakatihaya ay tina-tawag na “sitan.”
si•ta•rá : instrumentong may kahong pampatunog, maraming kuwerdas, tinutugtog sa pamamagitan ng plektro at mga daliri
si•tas•yón 1: papuring hayagan 2: katibayan ng pagpapahalaga o pagkilála 3: utos na humarap sa hukuman 4: pagsipi sa akda ng isang awtoridad
sit-down strike (sít dawn is•tráyk) : welga ng mga manggagawà na tumatangging lumisan sa kanilang pinagtatrabahuhan
site (sayt) 1: pook na pinilì upang pagtayuan ng isang gusali, bayan, at iba pa 2: pook na pinagdarausan o pagdadausan ng isang gawain