Sparta (is•pár•ta) : lungsod sa timog ng Greece at nakilála noon sa pagkakaroon ng disiplinado, matapang, at organisadong hukbo
spawn (is•pón) 1: mangitlog, lalo na kung isda, mollusk, o crustacean 2: magkaanak, lalo na kung maramihan
special effects (is•pé•syal é•feks) : eksenang ginagamitan ng ilusyon sa pamamagitan ng props, computer, at kamera
speciality (is•pe•syá•li•tí) 1: naiibang produkto, operasyon, at iba pa na binibigyan ng natatanging aten-siyon ng kompanya o tao 2: natatanging galíng, uri, o katangian