-sphere (is•fír) 1: may hugis na tulad ng espero 2: hinggil sa rehiyon na nása paligid ng mundo hal, hemisphere, stratosphere
sphere of influence (is•fír ov ín•flu• wéns) 1: kontrol ng isang estado sa politika at ekonomiya ng ibang estado 2: kontrol o impluwen-siya ng isang tao sa iba
sphincter (is•fíngk•ter) : lamán na bumabálot, nangangalaga, o nagsasara ng bútas o túbo, lalo na ang bútas ng puwit
spigot (is•pí•got) 1: tapón 2: balbula ng gripo 3: ang dulo ng túbo na inihuhugpong sa kasunod na túbo
spike (is•páyk) 1: anumang bagay na may dúlong matulis, gaya ng pakò 2: bakal na matulis sa suwe-las ng sapatos upang hindi madulas 3: hypodermic needle
spill (is•píl) 1: matápon, maligwak, o mabuhos ang likido, pu-lbos, o anuman sa labas ng sisidlan 2: mahulog sa sasakyan