spell (is•pél) 1: bulong o orasyon na ginagamit sa salamangka 2: balani o atraksiyon ng isang tao, gawain, kalidad, at iba pa 3: maikling panahon
spermaceti (is•per•ma•sé•ti) : putîng substance na tulad ng allid na mula sa sperm whale at ginagamit sa paggawâ ng kandila
spermatogonium (is•per•ma•to•gón• yum) : cell na nalilikha sa maagang antas ng pagbubuo ng spermatozoon at pinagmumulan ng spermatocyte
sperm whale (is•pérm wéyl) : malakí, may parisukat na ngusong balyena (Physeter catodon) at may mahalagang langis