subpoena (sab•pí•na) : nakasulat na utos upang humarap ang isang tao sa hukuman o upang magbigay ng ebidensiya sa hukuman
subpoena ad testificandum (sab•pí•na ad tes•ti•fi•kán•dum) : nakasulat na utos upang humarap ang isang tao sa hukuman at tumestigo
subpoena duces tecum (sab•pí•na dú•siz tí•kom, sab•pí•na dú•séyz téy• kum) : nakasulat na utos upang humarap ang isang tao sa hukuman at magdalá ng mga dokumentong nakasaad sa utos
sub rosa (sab ró•sa) : lihim o kumpidensiyal; mula sa sinaunang gamit ng rosas sa mga pulong bílang tanda ng sinum-paang pag-iingat ng lihim ng mga dumalo
subscribe (subs•kráyb) 1: magparasyon ng babasahin, hal diyaryo o magasin 2: a mag-abuloy o mangakong mag-aabuloy sa proyekto, kawanggawa b lumagda sa listahan ng mag-aabuloy 3: magpahayag ng opinyon o resolusyon
sub•síd•yo 1: tuwirang tulong ng pamahalaan sa pribadong negosyo, kawanggawa, o katulad 2: anumang tulong pana-nalapi na may ganitong layunin
sub•sób 1: marahas na pagtama ng mukha sa sahig o sa anumang mababàng rabaw 2: bahagyang pagkabaón sa abo, gaya ng pagsubsob sa iniihaw na lamáng ugat, o katulad na pangyayari kapag may nais itago sa buhangin o sa damuhan
substance (sábs•tans) 1: a mahalagang bahagi o sangkap b uri ng materyales na may magkakatulad na sangkap 2: sustansiya 3: ang nilalamán ng anuman 4: anumang uri ng matter na may tiyak na komposisyong kemikal 5: ang esensiya o diwa ng anumang isinulat
substantive (sabs•tán•tiv) 1: hiwalay o nakapagsasarili 2: may solidong batayan 3: hinggil sa karapatan at responsabilidad 4: hindi binagong mungkahi, resolusyon at iba pa 5: permanente, hindi pansamantala 6: ginagamit o itinuturing na pangngalan
substituent (sabs•tí•tyu•wént) : atom o pangkat atomiko na pampalit sa ibang atom o pangkat na nása loob ng molecule ng orihinal na compound