suite (swit) 1: set ng mga magkakasáma, lalo na ang mga silid sa hotel 2: sopá, silya, at iba pa na may magkakatulad na disenyo
su•káb 1: panyo o anumang piraso ng tela na inilalagay sa likod upang sumipsip ng pawis 2: kaning naiiwan sa pagitan ng kaldero at dahon ng saging na ipinansapin dito
su•káb 1: taksil 2: bahagyang bukás, tulad ng talukab ng talaba 3: nakayuko hábang dumaraan sa ilalim ng isang mababàng hadlang 4: dumating bago ang takdang oras
sú•kal 1: duming nag-kálat 2: masinsing tubò ng maliliit na punongkahoy 3: sa matalinghagang pahayag, pag-hihirap ng loob 4: antidote
sú•kat 1: habà, lapad, o lakí ng anuman 2: dami ng lamán ng anumang takalán 3: bílang ng mga pantig sa taludtod
Sú•kat! : katagang nagpapahayag ng pagkamangha o hindi pagsang-ayon, hal “Sukat ba namang sumama kay Gil!”