suk•lô 1: pagkalinsad o pag-kabaluktot ng butó dahil sa labis na bigat ng dalá 2: takip na pangalaga ng dulo ng anumang bagay
suk•lób 1: takip ng sisidlan 2: pagtatakip ng anuman 3: pagpapatong o pagtataob ng isa sa isang nakatihaya 4: hugpong, tulad ng mga silinder ng sasakyan
su•kò 1: pagtanggap ng pagkatálo 2: kusang pagharap ng salarin sa maykapangyarihan 3: pagpapahúli o pagpapabíhag 4: timbang na kala-hating libra
sú•kob 1: magkasáma sa iisang silungan o kanlungan 2: magkasunò 3: tinipon sa ilalim ng isang silungan, gaya ng mga sisiw , na naka-sukob sa pakpak ng inahin
sú•kol 1: pagkapikot sa hinuhúli 2: paghúli nang harapan sa isang gumagawâ ng masamâ 3: pagsukat mula itaas pababa o ang kabaligtaran