su•kì 1: tao na dati nang bumibilí o tuma-tangkilik ng anumang produkto at karaniwang nabibigyan ng diskuwento 2: tukod na parang krus
suk•lám 1: pakiramdam ng matinding pag-ayaw sa isang bagay na hindi kasiya-siya o nakadidiri 2: labis na pagkainis o pagkagalit
suk•láy 1: kasangkapang metal, kahoy, o plastik na may mga tíla ngipin at ipinang-aayos ng buhok 2: pag-aayos ng buhok sa pamamagitan nitó
suk•lî 1: halagang ibinalik matapos magbayad ng salaping buo 2: ganti o kapalit ng anumang ginawâ sa kapuwa
suk•líb : nakayuko kung tumingin; hindi makatingin nang deretso sa kausap, pinaniniwalaang palatandaan ng masamâng asal o kataksilan