syncretism (sing•kre•tí•zim) : pagtatatangkang pagsamahin ang magkataliwas na prinsipyo, praktika, o partido sa pilosopiya o relihiyon
syndrome (sín•drowm) 1: mga sintomas ng sakít na magkakasabay lumabas 2: kombinasyon ng mga opinyon, damdamin, ugali, at iba pa
synergy (sí•ner•dyí) 1: pinagsámang aksiyon 2: magkakatulong na aksiyon ng dalawa o higit pang estimulo o droga 3: epektong higit na malakas dahil sa pinagsámang aksiyon o pagtutulungan
synod (sí•nod) 1: konseho sa simbahan na dinadaluhan ng mga pari o layko 2: anumang pagpupulong upang magtalakayan