syntagma (sin•tág•ma) 1: salita o mga parirala na bumubuo sa isang yunit ng palaugnayan 2: sistematikong koleksiyon ng mga pahayag
synthesizer (sin•te•sáy•zer) : elektronikong instrumento na pinatutugtog ng keyboard at lumilikha ng iba’t ibang tunog
systemic (sis•té•mik) 1: hinggil sa, o nakaaapekto sa, kabuuan ng katawan 2: kung sa pestisidyo ng haláman, pumapasok sa ugat túngo sa tissue
syzygy (si•zí•dyi) 1: pag-kakahanay ng lawas pangkalawakan, tulad ng araw, mundo, at alinman sa buwan o planeta 2: anumang dalawang magkaugnay na bagay, magka-pareho man o magkasalungat