sa•lá•sa•lá : para-an ng pagsasalá ng mga patpat ng kawayan, karaniwang ginagamit bílang bakod ng halámanan laban sa mapaniràng hayop
sa•lá•tan 1: timog-kanluran 2: hanging nagmumulâ sa iba’t ibang direksiyon 3: hangin sa pagitan ng silangan at kanluran 4: timog
sa•lá-ung•gô : larong pambatà na hinahanap at itinatayâ ang mga kala-hok na nagtatago sa sanga ng mga punò
sa•láw 1: sisidlang may tubig, na nása paanan ng hagdan o bungad ng bahay para sa paghuhugas ng paa kung marumi 2: malîng pagbílang 3: sa Tinggian, sapilitang pagkuha sa isang bagay
sa•lá•wag : ang mga bára o mga piraso ng kahoy o kawayan sa balangkas ng bubungan na pinagkakabitan ng atip