sa•lá•paw 1: pagtudla ng palaso sa ibabaw ng ulo 2: pagsakay sa kabayo nang hindi sumasampa sa estribo
sa•la•pî 1: paraan ng palítan na nása anyong barya o papel 2: toston 3: noong panahon ng Espanyol, kalahating piso o apat na reales
sa•lá•pid 1: dalawa o tatlong hiblá na ipinulupot nang maayos gaya ng lubid, mahabàng buhok, at mga katulad 2: pagbabago ng posisyon sa sayaw