sa•la•mín : babasagíng kristal, may pahid na metaliko o amalgama sa likod nitó, at nakapag-bibigay ng repleksiyon sa anumang nása harap
sa•la•mí•sim 1: malungkot ngunit matamis na alaala 2: paglabas ng tubig mula sa basâng lupa o anumang katulad na tinatapakan 3: pagbabalik ng sakít na gumaling na o ng masamâng amoy
sa•láng 1: salagóy 2: marahang paggalaw sa isang bagay, karaniwang hindi sinasadya 3: pagpa-patigil sa iyak ng batà 4: panga1
sá•lang 1: paraan ng pagluluto na ginagamitan ng apoy 2: pagla-lagay ng mga armas sa artileriya 3: langay-langayan 4: kaaway
sa•lá•ngat 1: kawit na ikinakabit sa pansungkit ng bungang-kahoy sa punò 2: hapag na gawâ sa kawayan 3: magkaparehong agwat ng mga bagay na nakaayos sa isang serye 4: nakasabit sa pagitan ng dalawang sanga, kayâ’t napipigil ang pagbagsak