sa•lu•ngát 1: laban sa anumang puwersa, hal salungat sa hangin, sa kahirapan, o sa idea 2: ginawâ ang isang bagay sa paraang lihis sa karaniwan, hal inahit ang buhok sa ulo pataas
sa•lung•ká•wit 1: suporta na na-kasabit sa taas 2: baluktot na bagay, gaya ng kawit ng sungkit 3: kawayang inilalagay sa balikat at nagdadalá ng anumang bagay
sa•lung•káy 1: pagtungkab ng bató sa ilog sa paghahanap ng mga isdang nakatago 2: halukay1 3: isang uri ng palay
sa•lú•ngo : alinman sa mga lamándagat sa class Echinoderm na habilog, may malutóng na talukab at nababálot ng masinsin at matalim na tinik
sa•lung•sóng 1: tulay sa barko at daungan 2: tao na sumusundô o sumasalubong 3: pagtupi sa dahon ng buyo matapos lagyan ng apog 4: paglalayag laban sa hangin o alon
sa•lú•pil 1: dagdag na sapin sa ilalim ng sisidlan ng mga butil 2: pagsiksik ng sisidlan upang magkasiya pa ang iba