sa•lu•pi•nít 1: saplít1 2: masamâng tao 3: masamâ ang pagkakatunaw 4: sala-salabid na mga sanga ng punò 5: tao o halaman na may pinsala
sa•lú•sog 1: paglusong sa ilog upang maghanap ng isang bagay 2: pagdadraga sa tubigan upang hanapin ang isang bagay
sa•lu•wáy 1: pagpasan ng isang bagay na nakasabit sa isang pingga 2: pagkukrus ng mga kamay kapag umiinom
salvage (sál•veydz) 1: anumang gawain upang mailigtas ang ari-arian 2: pagpapalutang sa nakalubog na barko at kargamento 3: sa Filipinas, pagpatay na isinasagawâ ng mga ahente ng estado at taliwas sa wastong prose-so na isinasaad ng batas hinggil sa pagtrato sa kriminal o bilanggo