sang•káp 1: bagay na bumubuo sa anuman o bahagi ng kabuuan 2: lahok o halò sa anuman, gaya ng sangkap sa pagkain
sang•ká•yaw 1: mesang makitid na yarì sa kawayan 2: anumang suporta o hawakán upang maging magaan ang dinadalá, gaya ng sa pingga 3: patungan ng paa, gaya ng sa silya at mesa
sang•kê : aromatikong yerba (Illicium verum) na ginagamit na pampalasa at pampabango ng pagkain ang pinatuyông bulaklak
sang•kut•sá 1: pagpapakulo sa tubig at asin 2: pagpapalambot ng pagkain sa mantika hanggang lumabas ang katas bago lagyan ng sabaw
sang•lâ 1: pagbibigay ng ari-arian sa nagpapautang bílang seguridad, sakali at hindi makabayad ng utang 2: kasunduan sa transaksiyong ito