sang•gá 1: anumang nakapangangalaga o nakasasagka ng sirà o sakít kung matamaan 2: pagsasáma bílang isang pangkat o koponan
sang•ga•láng : kilos o paraan upang maging ligtas sa kapa-hamakan o pinsala ang isang bagay, tao, haláman, alagang hayop, at iba pa
sang•ga•la•yâ 1: pagsasabi ng damdamin o samâ ng loob 2: pagiging laging nakatawa at masaya ang mukha