sang•gól 1: batàng napakaliit o kapapanganak, lalo na kung hindi pa nakalalakad 2: pinakabatàng kasapi ng pamilya, pangkat, at iba pa 3: turing sa tao na mahal 4: kawing ng tanikala
sang•gu•ni•án 1: a pagtuturò sa ibang bukal ng impormasyon o karagdagang impormasyon b marka na nagpapahiwatig nitó gaya ng asterisko 2: paglalahad, karani-wang nakasulat hinggil sa kakayahan at katangian ng isang tao 3: tao na tinutukoy na maaaring magpatunay sa kakayahan, katangian, at katulad 4: lupon na kinokonsulta sa mga bagay na dapat gawin