saprophyte (sá•pro•fáyt) : haláman o mikroorganismong nakatirá sa patay o nabubulok na organikong matter
sap•sáp 1: uri ng isda (genus Leiognathus) na maliit, sapád, at bilugán ang katawan, karaniwang humahabà nang 10 sm 2: pagbabalát ng tubó
sapwood (sáp•wud) : malambot at panlabas na balát ng bagong kahoy na nása pagitan ng matigas na gitna ng katawan at ng balát
sap•yáw 1: mga sandatang pandepensa, gaya ng kalasag at baluti 2: uri ng lambat na tíla sako at may pabigat