sar•dí•nas 1: uri ng maliit na isda (Sardinops sa-gax) na karaniwang ipinepreserba sa langis at idinede lata 2: anumang uri ng isda sa family Clu-peidae 3: naka-delatang sardinas
sá•ri 1: pagbigkas ng mga salitang nakasasakít 2: mahabàng cotton o sutla na tradisyonal na kasuotan ng mga babaeng Hindu
sa•rí•li 1: tao o bagay na itinuturing na may natatanging indibidwalidad 2: ang katangian o ugali ng isang tao 3: personal na interes 4: ang ego na nagdurusa, nakaaalala, naglulunggati, at iba pa, kayâ “nawala sa sarili” ang táo kapag hindi nakontrol ang damdamin 5: pagpapamána ng ama sa anak 6: pagkakaroon ng pag-aari, kayâ “walang sarili” ang mahirap