sa•rang•gó•la : pinalilipad na laruang karaniwang gawâ sa manini-pis na patpat ng kawayang balangkas at sinapnan ng papel o manipis na tela
sa•ráng-lú•mot : uri ng langay-langayan (Hirundo tahitica) at tulad ng saráng ay tumitirá sa bútas ng talampas, sari-sari ang kulay ng balahibo mula itim, abuhin, at dalandan sa may dibdib
sá•ray 1: palapág1 2: bawat palapag ng estante o aparador, gaya ng estante ng libro 3: isa sa mga suson ng bagay na patong-patong, hal sáray ng lupa 4: bahay pukyutan o ang pang-kat ng mga pukyut 5: matigas na punongkahoy 6: paglakad nang pakembot-kembot ng tandang 7: sa isang hindi na gi-nagamit na sinaunang kahulugan, ang puwang sa mga bahagdan ng hagdan