te•a•trál 1: hinggil sa teatro o dramatikong pagtatanghal 2: hinggil sa dula o pag-arte 3: hinggil sa kilos, pana-nalita, o pananamit na mapagmala-bis, artipisyal, at eksaherado
te•á•tro 1: pook o gusaling tinatanghalan o pinagdadausan ng mga dula, pelikula, at iba pa 2: anumang pook na tulad ng teatro, lalo na’t may mga pataas na hanay ng mga upuan
technical knockout (ték•ni•kál nák• awt) : sa boksing, ang pagtigil ng isang laban dahil hindi na káyang tapusin ng isang kalahok ang laban kayâ ipinahahayag na panalo ang kalaban
technocracy (tek•nó•kra•sí) 1: ang pamahalaan o kontrol ng mga dalubhasa ng siyensiya o inhenyeriya sa lipunan o industriya 2: ang pagkakataon o aplikasyon nitó.